Ang Labanan sa Look ng Maynila ay pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng Estados Unidos at Espanya ay nag-udyok sa Estados Unidos na sakupin ang Pilipinas. Ipinakita ng mga Amerikano ang kapangyarihang militar nito nang lusubin ng kanilang hukbong pandagat ang hukbo ng mga Español sa Look ng Maynila noong Mayo 1, 1898. Walang nagawa ang mga Espanyol kundi isuko ang Pilipinas sa mga Amerikano. Upang hindi malagay sa kahihiyan ang Spain, nakipagkasundo ang Estados Unidos na magkaroon ng kunwa-kunwariang labanan sa Maynila. Isinagawa ito noong Agosto 13, 1898. Inakala ng hukbo ni Aguinaldo na magkakaroon ng tunay na paglusob ang mga Amerikano laban sa mga Español kaya nag-alok siya ng tulong militar ngunit hindi ito tinanggap ng mga Amerikano. Sa pamamagitan ng kunwa-kunwariang labanang ito, ipinakita ng mga Espanyol na lumaban ang mga hukbo nito sa abot ng kanilang makakaya at hanggang sa huling sandali.
Ang Unang Republika ng Pilipinas o Unang Republika Pilipinas ay ang pamahalaan ng Pilipinas na itinatag kasabay ng paghahayag ng Saligang Batas ng Malolos noong Enero 23, 1899 sa Malolos, Bulacan hanggang sa pagdakip at pagsuko ni Emilio Aguinaldo, ang Pangulo ng republika, sa mga sundalong Amerikano noong Marso 23, 1901 sa Palanan, Isabela, na nagtapos sa Unang Republika. Ito ang unang republikang itinatag sa Asya ng mga Asyano.
Ang pagtatatag ng Republika ng Pilipinas ang naging pinakamahalagang pangyayari sa rebolusyon ng mga Pilipino laban sa pamamahala ng mga Espanyol. Ipinahayag ang kalayaan noong Hunyo 12, 1898 at ang pamahalaang diktatoryal na umiiral noon ay pinalitan ng pamahalaang rebolusyonaryo na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo bilang pangulo noong Hunyo 23, 1898.
Tumakas si Aguinaldo sa Palanan, Isabela kasama ang kanyang gabinete, kagawad at sundalo para makaiwas sa mga Amerikano. Bago sya tumungo sa Cagayan Valley, iniwan niya muna si Heneral Gregorio Del Pilar sa Pasong Tirad, kasama nito ang 60 na kawal, upang hadlangan ang mga tumutugis na Amerikano.
Noong Disyembre 2, 1899, napatay si Del Pilar kasama ang 54 na Pilipinong sundalo. Si Del Pilar din ang pinakabatang heneral sa gulang na 24. Kaya sya tinagurian na "Bayani ng Tirad Pass".
Nabunyag ang pinagtataguan nina Aguinaldo nang mahuli ng mga Amerikano ang mensaherong si Cecilio Segismundo. Noong Marso 23, 1901, nagkunwaring mga bihag ng mga kawal Pilipino ang mga Amerikano, kaya nahuli sina Aguinaldo ni Heneral Funsion ng Estados Unidos. Dinala ang mga bihag sa Maynila. Kaya ito ang naging hudyat sa pagbagsak ng Unang Republika ng Pilipinas.
Dahil wala nang sandatahang lakas si Aguinaldo, lumagda ito sa isang pahayag na nagsasabing dapat tanggapin ng bayan ang pamahalaan ng Estados Unidos noong Abril 19, 1901